PAANO KO ISASABUHAY ANG TURO NG AKING RELIHIYON?

ni: Jericho Mikkel B. Sebumpan

cross_religion_christian_catholic_chain_window_gothic_Silhouette_1920x1080

Ang relihiyon ay ang elemento ng buhay na kung saan ay kinukonekta ang buong sangkatauhan at lipunan sa buong mundo. Ito ay nagbibigay ng kahulugan sa ating buhay. Binigyan tayo ng relihiyon ng “unibersal na wika” upang lahat tayo ay maging konektado.

Bilang isang mag-aaral, alam ko na ang relihiyon ay nagbibigay ng lakas, mga kahalagahan, at isang misyong tutuparin. Pinagkalooban ako ng direksyon sa buhay, pananaw, at tapang. Ganyan ako pagdating sa aking minamahal na pananampalataya. Bilang isang simpleng mag-aaral, maisasabuhay ko ang mga ito sa paraan ng pagsusumite sa pagmamahal ng Panginoon. Gagamitin ko ang aking mga talento na maaaring makatulong sa Simbahan, magturo sa mga kabataan ng Magandang Balita ni Hesus at higit sa lahat, ibabahagi ko sa aking buhay ang mga turo ng aking relihiyon.

Iba-iba man ang ating relihiyon, ang mahalaga dito, kung anuman ang pinaniniwalaan mo, ay magsisilbing gabay at instrumento sa buhay na patutunguhan mo. Ipakilala natin ang relihiyon sa buong mundo lalong-lalo na sa mga taong nangangailangan nito. Tayo ang magsimula. Tagumpay ang pananampalataya!

JERICHO MIKKEL B. SEBUMPAN        G10-ANNUNCIATION

PAANO KO ISASABUHAY ANG TURO NG AKING RELIHIYON?

ni: Christian Jay P. Magsigay

Parte na ng ating buhay, lalo na tayong mga Pilipino, ang ating relihiyon. Dito natin hinuhugot ang ating lakas sa pang araw-araw na pakikipagsapalaran. Ito ang ating naging sandigan lalo na sa mga panahong tila malabo ang kasaganahan.

Pero sa posisyon ko bilang estudyante ng isang katolikong institusyon, naniniwala akong BUHAY ko ang aking relihiyon. Naniniwala ako na ang relihiyon ang mismong tulay ko patungo sa Amang makapangyarihan sa lahat. At sa ilang taong umiral ang Relihiyong katoliko, iisa lang ang ating naging misyon, ito ay ang misyon ni Hesu Kristo na gumawa ng maraming pang disipulo at ikalat ang Magandang Balita. At bilang isang ordinaryong mag-aaral, maisasabuhay ko  to sa paraan ng simpleng pamumuhay. Pagiging mapagkumbaba, makuntento sa mga bagay na nariyan, pagiging mapagmahal at mapagbigay sa kapwa at pagiging tagapagsalita ng Magandang Balita lalo na sa mga taong talagang nangangailangan nito.

Sa murang edad natin, hindi pa masyadong malaki ang pwede nating magawa, ngunit sa pagiging isang modelong estudyante sa iyong kapwa, natitiyak akong malaking hakbang na ito sa misyong sinimulan ni Hesu Kristo.

CHRISTIAN JAY P. MAGSIGAY        G10-ANNUNCIATION

ALAM MO NA BA ANG K-12?

Di na bago ang isyu na ito spagkat naririnig na natin ito sa paligid at laman narin ito sa mga balita at mga pahayagan. Ayon sa mga ahensyang naatasan sa pagimplementa nito ay handang-handa na ang Pilipinas na itaguyod ang bagong sistema, nakaayos na lahat ng mga kinakailangan, mapaedukasyon man o mapa-pasilidad. Pero ang malaking katanungan ay HANDA na ba tayo, bilang mga estudyante na tanggapin ang malaking pagbabago. Heto ang mga impormasyon na kailangan nating malaman para sa susunod na taon.

cg Read More

MAKABAGONG TEKNOLOHIYA

2

Sa pagdaan ng panahon ay nagkaroon na tayo ng tinatawag na ‘globalisasyon’, at patuloy na umaangat at umuunlad ang ating teknolohiya. At sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya ay masasabing nakasasabay na tayo sa kaunlaran at makabagong teknolohiya ng mauunlad na bansa

Ang makabagong teknolohiya ay isa ng bahagi ng pang araw-araw na buhay ng isang tao. Ginagamit natin ang teknolohiya sa halos lahat ng dako. Cell phone, computer, laptop, smart boards, mga sistema ng GPS, at iba pa. Lahat ng iyan ay nagmula sa teknolohiya. Ito ay tumutulong sa atin araw-araw, sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng impormasyon at maginhawang pamumuhay. Ang teknolohiya ay mabilis at ito ay tumutulong sa ating ekonomiya.

Dahil sa makabagong teknolohiya, naging mas madali ang pagtuklas sa mga kaugnay na impormasyon sa anumang oras at kahit saan. Ito ay naging posible dahil sa mga makabagong teknolohiya tulad ng broadband internet. Ang impormasyon ay ang kapangyarihan, at ang mga taong makakahanap ng impormasyon at gagamitin ito ng mahusay, ay laging magtatagumpay.

Hinihikayat ng makabagong teknolohiya ang mga makabagong ideya at ang pagiging pagkamalikhain. Ito ang nagsisilbing ilaw ng isipan upang gumana sa buong potensyal nito. Sa nakaraan, mahirap magsimula ng negosyo. Ngayon, ang pagsimula ng negosyo ay napakadali na lamang at pwede kang magkaroon ng negosyo habang ikaw ay nasa bahay lamang.

3         Ang computer ay nakatulong ng malaki sa ating mga mag-aaral lalung-lalo na sa aspeto ng pananaliksik at pagtuklas. Hindi mo na kailangang maghalukay pa ng sandamukal na mga aklat para kumuha ng mga kakarampot na impormasyon sa bawat libro. Hindi mo na kailangang maghalungkat sa maalikabok na mga silid-aklatan upang maghanap ng mga datos na kinakailangan sa iyong takdang aralin. Puntahan mo lang ang google, iencode mo lang ang topik na hinahanap mo, mag-antay ka lang ng ilang sandali, at makikita mo na ang iyong hinahanap.

Nawa’y matutunan ng mga kabataang gamitin ang mga makabagong teknolohiya tungo sa kaunlaran. Nawa’y gamitin ng mga kabataan ang mga teknolohiyang ito sa edukasyon. Hindi ba’t edukasyon ang natatanging kayamanan na hindi mananakaw ninuman? Ito ang natatanging pananggalang sa lahat ng pagsubok ng buhay. Ang isang taong edukado ay isang taong maalam sa buhay.

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan.

GALING SA MASA, PARA SA MASA

1280x720-fh2

         Si Rodrigo Duterte ay isa ng kilalang pangalan. Sa mga tatakbong presidente ng Pilipinas, kaninong pangalan ba ang magpapanginig sa mga buto ng mga kriminal at halang ang kaluluwa? Si Poe? Roxas? Santiago? Binay? Magdadalawang isip na ang mga kriminal kung sakaling si Duterte nga ang magiging kapalit ni P-noy sa puwesto.

         Tutunawin ni Duterte ang Kongreso dahil ito raw ang naging pugad ng korapsiyon, mga baboy at hangal sa lipunan. Hindi na niya paabutin pa ng anim na taon ang pagwawalang bisa ng Kongreso, agad agad raw kapag nahalal siyang presidente, aalisin na niya ito.

1         Hindi na lamang imahe ng pagsugpo ng krimen sa buong lungsod ang tatak ng pangalang Duterte. Ito ay kumalat na sa pagsugpo ng korapsiyon, paglaganap ng pagkakaisa at pagkakasundo ng bawat mamamayan. Ang pangalang Duterte ay tatak na ng pagkakaroon ng mga disiplinadong Dabawenyo, taimtim na pagsunod sa batas trapiko at pagkakaroon ng matatapat na mga taxi drivers.

Ang pangalang Duterte ay nakatatak na sa bawat Dabawenyo at maging sa buong Pilipinas. Akalain mong pumayag ang mga Dabawenyo na magkaroon ng total smoking ban sa buong siyudad? Pumayag ang mga Dabawenyo na bawal lahat ng paputok kapag Bagon Taon. Pumayag rin ang mga taga-Davao sa speed limit na 30 km/h. Sa lungsod lang ng Davao totoong naipatupad ang batas na to.

         Di kalaunan ay mamahalin siya ng bawat Pilipino. Kapag mayroong kapayapaan at kaayusan, matatagpuan ng bawat Pilipino ang kaniyang buong potensiyal. At sa pagkamit ng mga mithiing ito, mamahalin siya ng buong-buo ng sambayanang Pilipino.